OPEN


Pista Ng Pelikulang Pilipino: OPEN







"WOW!"

We, in Cine-Silip/Indie Pelikula decided to see the movie "OPEN" first among others, why? I don't know, majority wins I guess. Anyways, we all agreed when we first saw the trailer that Arci Munoz did great on this film.

The Plot/Theme/Story

Lahat naman siguro ay sasang-ayon na masyadong sensitibo ang tema ng pelikula. Mula sa mga love scene nila Arci Munoz at JC Santos plus Ina Raymundo it was indeed ehem! Apektado kami sa mga eksenang iyon, maging sa kabuuan ng istorya. Nakakagalit ang flow ng istorya dahil para bang nakakulong ang emosyon mo ( Ang hirap baka maging spoiler). This movie is for matured and an open-minded audience dahil kung hindi ay baka mag-walkout ka sa kalagitnaan ng pelikula sayang naman ang ibinayad mo. Ang sexy ng pelikula, more than that, may mahalagang aral ang pelikula!




The Actors

I love how Arci Munoz attacked those heavy confrontational scenes, JC Santos was great as always, but for this one, we are giving it to Arci. Kitang kita mo na talagang ibinigay niya ang lahat ng kaya niya in terms of acting. The Director Andoy Ranay, motivated his actors very well. Ang ganda ng emosyon na ibinigay nila pareho sa pelikulang ito. Iyong tipong hindi mo pa naman nararanasan pero relate ka sa kanila. Also, Ms. Ina Raymundo, ang hot talaga ni hindi niya kinailangang magpakita ng sobrang flesh sa movie pero effective mata pa lang parang naiintindihan mo na yung sinasabi niya. She once again proves that she is the one and only Sabado Nights queen!






Ito yung pelikulang maiintindihan mo yung bawat anggulo ng istorya at pinanggagalingan ng mga karakter, pero 'di ka basta basta makakapili ng panig.

Meron lamang akong hindi masyadong nasakyan, eto 'yung song choice maganda yung theme song niya, I mean maganda 'yung kanta itself no questions asked doon, pero parang, ewan baka ako lang ito, pakiramdam ko mas may impact kung "Patawad, Paalam" ni Moira at ng I Belong To The Zoo ang ginamit, wala lang opinyon lang naman. Pero overall, maganda ang pelikula. Ire-rekomenda ko ba itong panoorin ng lahat? Siguro dapat, healthy ang puso mo at bukas ang isip mo.





Take Aways:

1. Ang relasyon katulad ng kahit anong bagay sa mundo ay kailangan din ng pahinga.
2. Minsan kulang ang habang buhay upang makilala mo ang iyong sarili.
3. Hindi dahil matagal mo nang hinihintay, ay basta mo na lang tatanggapin kapag dumating na.
4. Minsan hindi sasapat ang pagmamahal para kayo ay maging matibay.
5. Ang pagiging magkaibang tao habang nasa iisang relasyon kayo ay hindi masama, tandaan mo, bago na naging kayo talagang magkaiba kayo.
6. Malaki ang mundo, libutin mo muna bago mo sabihing eto na nga.
7. Hindi masamang piliin muna ang sarili, minsan mas marami kang maibibigay kung mas mahal mo ang sarili mo.
8. Ang pangarap mo, ay sa iyo lang.
9. Kahit kailan hindi naging solusyon ang pagpapakasal.
10. May mga bagay na mahirap ipaliwanag, hindi dahil epektibo sa iba ay gagana din sa'yo.


OVERALL RATING:

4.5/5 Stars

Comments

Popular posts from this blog

Banal (2019)

Kuwaresma

2019 #MustWatchFilipinoMovies