My Letters to Happy



My Letters to Happy



There's no easy way to write about the movie "My Letters to Happy".
Pag usapan muna natin ang teknikal na aspeto ng pelikula, akma ang mga tunog, at musikang nilapat sa pelikula upang tumagos ang damdaming nais iparating ng mga eksena sa manonood. Mararamdaman mo ang tuwa at galak ng bawat karakter. Ang lungkot kung sila ay malungkot. May mga tagpong tahimik, ngunit nakabibingi dahil sa maririnig mo ang iniisip ng karakter nina Glaiza de Castro at TJ Trinidad. Sa pagitan ng ingay at katahimikan ay maririnig mo ang iyong sariling isip. 
Kulay, maganda at malamig sa mata ang kulay ng buong pelikula. 
Ang Cinematograpiya ng pelikula ay akma sa kuwento ng pelikula. Maaaring mahilo ang ilan dahil sa ilang eksenang matagtag, ngunit ito ay akma lang sa mga eksenang iyon upang maramdaman mo ang takot, pangamba at alinlangan nina Abet at Happy. 








Mga Tagpo.

Tumatak sa akin ang tagpo noong unang nakita ni Abet si Happy. Ang surreal, tagos sa screen ang tagpong iyon. 
Naiyak ako sa tagpo kung saan, umupo si Abet at nagpakita ng pagsuko kay Happy. 
I was touched when Abet do as what Happy told him, while she’s folding their clothes. Grabe, natuwa ang puso ko sa ipinakita ni Abet kay Happy upang ipakita at iparamdam sa kanya na ayos lang iyon. Grabe, yung  Pelikula, wala kang iiwang tagpo. 













Pagganap. 

Ang lalim ng koneksyon nina TJ Trinidad at Glaiza de Castro sa karakter nina Albert at Happy. There was never a moment na bumitiw sila sa mga karakter nila. Ang galing nila pareho! Eto na yata ang pinaka magaling nilang pagganap so far. They deserved an acting award for this movie. If you think I am exaggerating things, then see it yourself. 

Tapos ka nang manood, lumabas ka na ng sinehan pero yung kuwento nito ay maiiwan sa’yo.

This is the story that deserved to be seen!  They deserved your applause, I promise you this movie is worth it. An eye-opener to the people who don’t believe that this kind of story exist. This is more than just your usual love story or romance story. I promise you My Letters to Happy won’t disappoint. 








Take Away/s:

  1. Love is not just about happiness.
  2. We are not in disneyland.
  3. YOU are NOT ALONE.
  4. Money is not always a guarantee.
  5. Being different is not a bad thing.
  6. Mahalaga ang oras na kasama natin ang mga taong mahal natin, wag nating sayangin. 
  7. Everything has its purpose, meeting someone is not just by chance or accident there’s more to it.
  8. YOU need help! 
  9. The world will go on and forward even if you don’t, deal with it on point.
  10. May mga bagay na hindi sasapat, wag mo na muna ipilit. 

Congratulations to Director Pertee BriƱas and The whole team! Cheers to you guys! My Letters to Happy is one for the books!

Overall rating: 10/10



Comments

Popular posts from this blog

Banal (2019)

Kuwaresma

2019 #MustWatchFilipinoMovies