LSS (Last Song Syndrome)


Pista ng Pelikulang Pilipino

LSS (Last Song Syndrome)




It is a heartwarming hopeful film.

Ito originally ang first choice ko na movie to watch on this year's Pista ng Pelikulang Pilipino. Hindi ko maipaliwanag pero simula nung makita ko yung teaser poster nag-abang na ako ( earlier this year).
I got the chance to attend a screening na may Q&A after the film. Shout out to Cinema '76 Anonas!

Mula simula hanggang matapos yung film, ang gaan lang. Tearjerker siya pero, it wont leave you with a heavy feeling. I love the fact that they've got Ben&Ben and their music sa buong pelikula.

Hindi madali na lagyan ng naratibo ang mga kanta ng Ben&Ben dahil ang bawat kanta nila ay may kuwento. But the LSS team nailed it! Ang galing ng pagkakagawa ng bawat eksena. Yung bawat putol at pasok ng eksena, lalo na sa "Ride Home" scene, halimaw yung editing! I love how they did the "Kathang-isip" scene, it was magical, totally unexpected. Feeling ko sasabog yung puso ko sa galak. Marami akong nagustuhang eksena sa buong pelikula isa na dito yung "Maybe The Night" scene, na muntik muntikan ng mawala grabe kinilabutan ako doon. Napakanta ako during the "Bibingka" scene, well, if you don't know the song siguro di ka mapapakanta. I like na hindi nag-drift sa love story angle yung pelikula.




The Actors.

I love the organic chemistry of Gabbi Garcia and Khalil Ramos, ang sarap nilang panoorin, napaka-natural. They were both on point, they may not be the best actors as compared sa actors ng ibang entry pero magaling sila. Tuesday Vargas, was outstanding on this film, from the light funny scenes to the breakdown scene awesome! She really deserved that award. At dahil magaling sila, ibig sabihin, the director did well in terms of motivating the actors and prepare them sa characters nila. On that note, congratulations! to direk Jade Castro. 

The movie may seem cliche but what sets this apart is the rawness of the scenes and its magic. Not to mention the songs of Ben&Ben.








Take Aways:

1. Abutin mo ang pangarap mo, wag kang susuko.
2. Maraming hindi maniniwala sayo, maging matapang ka.
3. Minsan, masarap makipag usap sa stranger cause you can pour your heart out.
4. Walang ibang nakakakita sa pangarap mo kung di ikaw lang.
5. Maingay ang mundo, wag mong hayaang mawala ang tinig mo.
6. Acceptance. Tanggapin mo lang lahat ng rejections, your time will come.
7. Tinder might help, just use it responsibly.
8. Forgiveness. Matuto kang magpatawad.
9. Love has its own timeline.
10. Dapat hydrated ka. Kaya take fluid as often as needed.


Overall Rating: 
5/5


Comments

Popular posts from this blog

Banal (2019)

Kuwaresma

2019 #MustWatchFilipinoMovies