Cuddle Weather

Pista ng Pelikulang Pilipino

Cuddle Weather



The movies stars Sue Ramirez and RK Bagatsing, parang first time yata nila magsama sa pelikula.

Isa ang pelikulang ito sa mga unang gusto kong makita sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ngunit hindi naibigay ng pagkakataon, nevertheless, worth it ang paghihintay!

Ang pelikula ay tumatalakay sa pinakamatandang trabaho sa mundo, prostitusyon. Kung inaakala mong kilala mo na ang mga gaya nila, panoorin mo ito, at malalaman mong hindi pa pala.

Ang ganda ng tono ng pelikula na hindi madilim ang pagtalakay sa isyu ng prostitusyon. Naipag-sama ng maayos ang drama at komedya at seryosong usapin ng walang kahirap hirap. Hindi ko malaman kung tamang slow-burn ba ito, dahil maayos na naiparamdam ng pelikula ang mga emosyon na nais nitong marinig at maramdaman ng manonood.

Katulad ng LSS, Graded B ang pelikulang ito, ngunit, sa tingin ko naman ang papasa itong A gaya ng LSS. (no hate, or bashing opinyon ko lamang ito.)








Maayos din ang mga kulay ng pelikula, saktong sumasalamin sa mood ng pelikula. Akma sa emosyon ng mga karakter ang kulay at ilaw ng buong pelikula.






The Actors

This is the first time I saw them together on screen and the chemistry is undeniable. Grabe ang galing ni Sue Ramirez sa pelikulang ito, hindi niya kinailangan ng mabibigat na eksena para mapahanga ka niya, dalang dala niya si Adela Johnson. Habang pinapanood mo siya, maniniwala ka sa sinasabi ni Adela, malilimutan mong nasa sinehan ka at pelikula ito at siya si Sue Ramirez, OA na ba? pero yun mismo ang naramdaman ko. Si Ram, played by RK Bagatsing, iba, ibang iba siya sa pelikulang ito. Hindi siya nagpaiwan kay Sue dahil salung salo niya si Adela bilang si Ram. Tatawa ka kapag masaya sila, at makikita mo na lang ang sarili mong lost for words sa napapanood mo.

Mahusay na naiderehe ni Rod Marmol ang kanyang mga aktor at bentang benta ang buong kuwento ng pelikulang ito.







Saktong mapapaluha ka sa ilang mga eksena pero di niya hahayaang mabasa ng tuluyan ang panyo mo. Marami kang "Ahh... 'yun pala yun." moment sa pelikulang ito. Dami mong mare-realize na dati akala mo alam mo na.








Paborito ko yung unang yakap nina Ram at Adela, ang ganda lang, maiisip mo na lahat pala tayo marupok in a way. Ang ganda ng batuhan nila ng linya doon at benta yung hirit ni Ram doon, grabe! Naantig naman ako sa veranda scene nila, spechless ako dun, lalo na nung ginawa ni Adela 'yun, mapapa- "Oo nga, hindi nga 'yan ang pinakamahalaga sa mundo.' ewan ko, yun ang epekto sa akin.


Realizations:

1. Hindi madali maging pokpok.
2. Hindi sila iba sa atin, gaya ng hindi tayo iba sa kanila nagkataon lang na kakaiba ang trabaho nila.
3. Minsan, kahit ayaw na ng isip mo, hindi sumusunod ang puso mo.
4. Naghihintay ka, naghihintay din sila.
5. Kung gaano sila kababa sa paningin mo, sila pa rin ang bida sa kuwento nila.
6. Lahat tayo nakamaskara, nagpapanggap, pero sa gabi hinuhubad natin ito.
7. Hindi patas ang mundo, pero nasa sa iyo kung paano mo ito sasabayan.
8. Wala nang lulungkot pa sa taong naubusan na ng libog.
9. Kilitiin mo minsan ang mundo para pagbuksan ka.
10. Huwag mong mamadaliin, wag bibiglain, tiyak masasaktan ka.
11. Dapat may deadline ka, kapag nakita mo na, yakapin mo.

Ano nga ba sa tagalog ang "Cuddle"? Hahaha! 'yun na!

Overall Rating:

5/5





Comments

Popular posts from this blog

Banal (2019)

Kuwaresma

2019 #MustWatchFilipinoMovies