Edward

Edward
A Film by Thop Nazareno
Official Cinemalaya Entry
Under VIVA Films




I was hesitant at first but still, I ended up inside the moviehouse.

It was hard to guess what is this all about at first, however as it progresses the details becomes clearer.

Para kang nanonood ng pintor na nagpipinta, mula sa blank canvass na unti unting nagkakulay. Slow burn ang movie and I like it. Makulay ng mundo ni Edward, kahit na nga nasa iisang lugar lamang siya. Hindi ko masabi kung sumobra ba o sadyang ganun ang sitwasyon sa isang public hospital, hindi ko pa naman na nararanasan pero ayaw ko rin.





The Actors

Louise Abuel, Edward is a natural charmer. Ang sarap niyang panoorin, kita mo yung pagiging inosente niya at mapusok at the same time. Direk Thop Nazareno brings out the best sa bawat tauhan sa pelikula. Elijah Canlas, Renz also delivered. Yung bawat salo niya lay Edward sa bawat eksena nila grabe yun ang sinsero ng pagganap. Sasabay ka sa bawat ngiti at tawanan nilang dalawa.



Ella Cruz, Agnes, ito marahil ang pinaka mahusay niyang pagganap sa pelikula kung kaya siya nanalo bilang Best Supporting Actress sa Cinemalaya. Tama ang mga hurado, sa paghirang sa kanya, grabe yung emosyon na ibinibigay niya mula sa mga mata. Masaya ako na mula sa pa-tweetums na role Ella finally evolved in a good way. Ramdam ko si Agnes, pero parang gusto kong malaman yung kabuuan nf kwento niya. Pero di ko maintindihan bakit ba ganun? ha Agnes?



The Lasting effect.

Sa bawat pelikula, may mga eksenang tatatak sa'yo. Sa pelikulang ito, yung eksena sa roof deck ng hospital
na magkasama sina Agnes at Edward ang tumatak sa akin. Maging ang official soundtrack ng pelikula na Dapithapon, mas lalo kang magtatanong. Yung pagtitig ni Agnes kay Edward na sobrang makahulugan, na para bang may nais siyang sabihin ang isa sa mga naiwan sa akin paglabas ko ng sinehan.





The Mysterious.

Mahusay ang pagkakalapat ng misteryo sa karakter ni Agnes. Talagang mapapa tanong ka kung sino ba siyang talaga? Sadyang may mga ganung tao tayong nakikilala sa buhay natin. Kaya makatotohanan ang misteryo.






Realizations:

1. Mahirap maghabol ng oras. Kung ayaw mong maiwan, magmadali ka.
2. Kung kaya mong gawin ngayon, gawin mo na.
3. Kahit pa gaano ka naging maloko, meron at merong magpapabago sa'yo.
4. Masaya ang first kiss. Masarap sa pakiramdam ang first love.
5. Kahit gaano ka lumayo, nanaisin mo pa ring umuwi.
6. Malawak at malalim ang kakayahan ng taong umiibig, walang sino man ang makakaarok nito.
7. Hindi kahinaan ang pagsuko.
8. Diskarte. Iyan talaga ang bubuhay sayo sa mundong puro gulo ang mayroon.
9. Ang ama ay ama kahit ano pa man ang mangyari.
10. May mga bagay na hindi natin maunawaan, huwag mo nang ipilit alamin ang mga bagay na hindi nilikha para sa'yo.
11. Minsan, ang mga robot ay mga halimaw rin.
12. Lahat tayo may Agnes sa buhay, sadysng ganun, sadyang ganun.
13. Lahat tayo ay may Edward sa loob natin, pagyamanin natin ito st huwag natin hayaang bulagin tayo ng sistema.

Overall Rating:
9/10








Comments

Popular posts from this blog

Banal (2019)

Kuwaresma

2019 #MustWatchFilipinoMovies