Hintayan Ng Langit
Hintayan Ng Langit is a film based on a one-act play written by Juan Miguel Severo and Directed by Dan Villegas. The characters Manolo and Lisang were graced by Veteran Actors Mr. Eddie Garcia and Ms. Gina PareƱo, respectively.
Maaaring narinig mo na ang pelikulang ito, o ang kwento ng pelikula dahil alam natin ang kwento ng pag-ibig at ng mga magkasintahang hindi nagkatuluyan (exes). Ngunit, paano nga kaya kung magkita kayo ni ex sa kabilang buhay? At hindi basta si “Ex” lang, dahil siya ang iyong “One Great Love”. Paano mo nga ba siya haharapin? Ano nga kaya ang gagawin mo? Madaling magsalita, mahirap kapag nasa sitwasyon ka na. Hindi layon ng pelikula na ipakita ang tama at mali. Ang makikita sa pelikula, purong pag-ibig.
Naging epektibo lahat ng simbolismo, musika, tunog, at kulay upang ilahad ang isang natatanging pag-ibig. Napaka-payak kung paanong isinalaysay ang isang pag-ibig. Sa aspetong teknikal bumagay ang kulay, cinematograpiya sa tema ng pelikula. Yung theme song ng pelikula, ay nakapagdagdag ng emosyon sa pelikula. Hindi maikakaila ang kagalingan sa larangan ng pag-arte sa pelikula ng dalawang actor. Kaya naman, naging makulay ang paglalahad ng pelikula.
Nais rin naming purihin ang may akda, na kitang kita ang pagmamahal sa sining biswal at pagsulat.
Pinatunayan ng pelikulang ito na hindi kailangan na magarbo ang mga lokasyon at disenyong pang-produksyon upang maglahad ng de-kalibremg istorya. Sasapat na ang puso ng may-akda, at sinseridad ng mga aktor at mabusising direksyon.
Realization:
- Hindi dahil hindi mo magagawa ngayon ay hindi mo na magagawa kailanman.
- Nakamamatay ang paghihintay.
- Hindi lang ang mga naiwan ang nagluluksa.
- Araw araw na pinipili ang pagmamahal.
- Totoo ang kasabihan, ang tunay at natatanging pag-ibig, hahamakin ang lahat maging ang langit makamit lamang ito.
Final Verdict:
Must-watch.
⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️
10/10
Comments
Post a Comment