Finding You, a love letter to everyone.


 May 29, 2019 Wednesday.



Finding You, is the directorial debut of Easy Ferrer under Regal Films. The movie follows the story of Nel, and his quest in finding his "The One That Got Away". So much to that. I might spoil the movie.



Ito na nga, hindi ko akalain na bubuhos nang ganun ang luha ko. At first, it was a fun ride, sa likod ng isipan ko sabi ko alam ko na 'yung kwento at ending ng pelikula, but Director Easy Ferrer slap me right there. Parang sabi niya, saglit lang pakinggan niyo muna ako. At nasorpresa ako sa mga sumunod na mga nangyari.

Maraming magagandang aspeto ang pelikulang ito, mapa-teknikal man o ang mismong kuwento maging ang pagganap ng mga aktor nais kong batiin ang punong abala sa aspekto ng cinematograpiya ng pelikula. Ang kulay at tunog ay akma rin sa tema ng pelikula, ang mga ilaw ay tama lamang at hindi masakit sa mata. Ang totoong masakit ay ang awiting "Sa hindi pag-alala" ng Muni Muni.

Maraming bagay ang isinalaysay ang pelikula, sa lahat ng ito lumutang ang pagka-kaibigan at ang halaga ng alaala. Totoo ngang traydor ang mga alaala, dahil hindi mo alam kung maganda ba o hindi ang magiging epekto nito. Masinop na nailahad ng may akda ang mensaheng nais niyang maipa-abot sa kanyang manonood. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang sinumang makakakita ng pelikula ay maaantig.

I've never seen  Jerome Ponce like this before, mahusay nga pala siyang aktor, sila ni Jane Oineza. Marahil ay hindi ako eksperto ngunit kahit papaano ay nauunawaan ko ang maganda sa hindi. Masasabi kong sulit ang paghihintay para sa pelikulang ito. Kung sa palagay ninyo ay alam niyo na ang kuwentong ito, I dare you see it for yourself!


Take Away/s:

1. Hindi sapat ang pangako ng hindi paglisan.
2. Mahirap maalala ang hindi mo maalala.
3. Laging may nakakahigit sa'yo.
4. May mga bagay na mas magandang tignan na lamang mula sa alaala.
5. Sa kabila ng lahat, piliin mong maging masaya, piliin mong manatiling masaya.

Overall, it was an amazing journey. Makailang ulit kong nakita ang sarili ko sa pelikulang ito.
May bago nanamang hiyas ang pelikulang Pilipino sa katauhan ni Direk Easy Ferrer!



Final Verdict:
9/10

Comments

Popular posts from this blog

Banal (2019)

Kuwaresma

2019 #MustWatchFilipinoMovies