My Letters to Happy
My Letters to Happy There's no easy way to write about the movie "My Letters to Happy". Pag usapan muna natin ang teknikal na aspeto ng pelikula, akma ang mga tunog, at musikang nilapat sa pelikula upang tumagos ang damdaming nais iparating ng mga eksena sa manonood. Mararamdaman mo ang tuwa at galak ng bawat karakter. Ang lungkot kung sila ay malungkot. May mga tagpong tahimik, ngunit nakabibingi dahil sa maririnig mo ang iniisip ng karakter nina Glaiza de Castro at TJ Trinidad. Sa pagitan ng ingay at katahimikan ay maririnig mo ang iyong sariling isip. Kulay, maganda at malamig sa mata ang kulay ng buong pelikula. Ang Cinematograpiya ng pelikula ay akma sa kuwento ng pelikula. Maaaring mahilo ang ilan dahil sa ilang eksenang matagtag, ngunit ito ay akma lang sa mga eksenang iyon upang maramdaman mo ang takot, pangamba at alinlangan nina Abet at Happy. Mga Tagpo. Tumatak sa akin ang tagpo noong unang nakita ni Abet si Hap...